Inaresto ng pinagsanib na operating unit ng PDEA Pangasinan at PNP Dagupan ang isang high value target sa isinagawang buy bust operation dito sa lungsod ng Dagupan.

Ang pag naaresto sa suspek na si Hector Cervantes ay isinagawa kagabi dakong alas11:45 kagabi sa Brgy. Tapuac, dito sa lungsod.

Ilan sa mga nakumpiska sa kanya ay isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 5,000.00, (1) pc genuine One Thousand peso bill at (4) pcs na One Thousand peso boodle money na ginamit bilang buy bust money, (1)box marlboro blue, one (1) jansport coin purse , isang bundle cash na nagkakahalaga ng 120 pesos na nasa ibat ibang denomination at isang unit ng cellular phone.

--Ads--

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kaokolang kaso.