Masuwerteng nakaligtas ang dalawang mangingisda matapos na tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa Patar Beach, sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay MDRRMO Officer Dayan Lovemore Carranza, matagumpay na naisalba ang mga biktima na kapwa residente ng Brgy. Patar sa nasabing bayan sa tulong narin ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG).

--Ads--

Nabatid na nakuhanan sa isang drone video ang pagtaob ng isang bangka na lulan ang ilang mangingisda sa Patar Beach, kung saan makikita sa video ang nagkalat na pira-piraso ng bangka matapos pataubin ng matataas at malalakas na hampas ng alon.

MDRRMO Officer Dayan Lovemore Carranza

Kinumpirma naman ni Carranza na inaayos na ngayon ng LGU Bolinao at ng DSWD ang ibibigay na ayuda sa mga ito.