Welcome sa grupong Akbayan Youth ang pagpapalawig pa ng voters registration matapos hilingin ng 2 kapulungan ng Kongreso maging ng maraming kababayan na nais magparehistro
Ayon kay Gladys Milloga ng Akbayan Youth, sila ay natutuwa dahil nakinig ang COMELEC sa kahilingan na palawigin ang voters registration.
Pinapasalamatan din nila ang senado na nagtulak sa panukala upang tuluyang aprubahan ng COMELEC.
Base sa kanilang obserbasyon, nakita nilang marami ang humahabol sa deadline.
Katunayan ay mahaba ang pila nitong mga nagdaang mga araw.
Gabi pa lang ay may nakapila na sa tanggapan isang araw bago ang deadline sana.
Una rito , inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voters registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng maraming kababayan na nais magparehistro.
Ang extension ng voters registration ay isasagawa pagkatapos ng COC filing sa Oktubre 11 hanggang Oktubre 31. Una rito ang voters registration ay magtatapos na sana ngayong Setyembre 30