Kinumpirma ni Vice governor Mark Lambino, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan,na nagpositibo sa Covid 19 ang kanyang ama na si Raul Lambino, presidential Advisor for Northern Luzon, Philippines at Administrator ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Ayon kay Lambino, sa ngayon ay medyo gumagaling na rin ang kanyang ama.
Mabuti na lang daw ay natapos nang mabakunahan ang nakakatandang Lambino kaya hindi gaano malalala ang kanyang kaso.
--Ads--
Nagpapasalamat din ang kanilang pamilya sa mga doktor na tumitingin sa kanyang ama.
Inamin naman ng opisyal na napakahirap na maging covid positive at nakakatakot itong maranasan.
Muli siyang nanawagan sa publiko na sumunod sa mg health protocols at magpabakuna dahil mahirap na mahawaan ng covid.