Dalawang bahay ang natupok ng apoy sa nangyaring sunog kagabi sa barangay San Miguel sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa initial na imbestigasyon, nagsimula ang sunog pasado ala siete kagabi.
Lumalabas na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.
Napag alaman na isinaksak ang extension sa outlet kung saan nakasaksak din ang isang refrigerator hanggang sa pumutok ang extension at doon na nag short circuit ang mga saksakan. Hindi na rin nagawang alisin ang nakasaksak dahil umapoy na.
Ayon kay Mark Estrada, kaanak ng pamilya na nagrerenta sa nasunog na bahay, may narinig na pagputok sa loob ng bahay at doon na nagsimula ang malaking sunog.
Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa luma na ang bahay at gawa sa mga light materials . Nadamay na nasunog ang kalapit nitong bahay.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang halaga ng pinsala.