Nakahanda na ang buong kapulisan sa Pangasinan sa pagbabantay sa nalalapit na paghahain ng kandidatura ng mga tatakbong pulitiko sa lalawigan sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Police major Arturo Melchor Jr. taga pagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ang kapulisan ay handang magbigay ng seguridad sa mga mga tanggapan ng comelec, mga comelec officers at maging sa mga personalidad sa bansa na magfa file ng certificate of candidacy.

Sa ngayon ay wala pang iniutos ang PNP regional office para magdagdag ng personnel sa mga ibat ibang lugar partikular sa mga tanggapan ng comelec sa lalawigan.

--Ads--

Madalas, isinasagawa aniya ang paglalagay ng dagdag na PNP personnel sa mismong election period.

Dahil sa pandemic, sinabi ni Melchor na ipapatupad nila ang health protocols sa tanggapan ng comelec.

Police major Arturo Melchor Jr. taga pagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office

Dati rati sa mga nakalipas na election period, dinadala ng mga pulitiko ang lahat ng kanilang supporters at minsan ay nagsisiksikan sa tanggapan ng comelec.
Umaasa naman ang opisyal na tatalima sa mga health protocols at guidelines ng IATF ang mga pulitiko.