Ilang paaralan sa lalawigan ng Pangasinan ang nagsuspendi ng klase ngayong araw.
Una rito, sinuspindi ni City Mayor Marc Brian Lim ang pagbubukas ng klase sa lahat ng lebel sa Lunes September 13 at ito ay iniurong sa October 4, 2021.
Kasama rito ang lahat ng aktibidad sa paaralan katulad ng pagbibigay ng self learning module.
Ang nasabing executive order ay alinsunod sa rekomendasyon ng task force covid 19 at base na rin sa ginawang konsultasyon ng School division office dahil sa kaslukuyang situwasyong pangkalusugan sa lungsod at para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.
Hindi naman kasama sa suspension ang operasyon sa mga paaralan na nauna ng pinahintulutan na magsagawa ng klase sa pamamagitan ng cloud at video conference at iba pang remote platforms na hindi nirerequire ang face to face interaction.
pinapayagan naman ang mga paaraalan, colleges at universities na magsagawa ng face to face classes , internship at in campus laboratory para sa hospital practicum, para sa medical at health programs alinsunod sa joint memorandum circular ng Deparment of Health at Commission on Higher Education.
Kabilang din sa nagsuspendi ng klase sa mga paaralan ang mga bayan ng Calasiao, Mangaldan at Sta Barbar