Kinuwestyun ng Sangguniang Panlalawigan ang planong mining project sa mga coastal municipalities at cities sa Pangasinan.
Ayon kay vice governor Mark Lambino, Maapektuhan ng proyekto ang mga bayan at ciudad mula Sual, Labrador , Lingayen, Binmaley at lungsod ng Dagupan.
Sa ilalim ng programang mining at dredging operation kukuha ng mga precious na metal sa karagatan.
Ang kuwestyun dito aniya ay nagsimula na ang public consultation sa mga bayan na hindi man lamang nabibigyan ng abiso o natitimbrihan ang Sangguniag Panlalawigan kundi sulat lamang na ipinarating sa Office of the provincial governor noong buwan ng Hulyo.
Bagamat ito ay national project o national government initiated project ay maapektuhan naman ang mga natural resources ng probinsya partikular ang limang bayan sa tatlong district dahil maaring maapektuhan ang hanap buhay o livelihood ng mga tao.
Giit ni Lambino na hindi puwedeng iimplementa ang isang proyekto na hindi naririnig ang lahat ng stakeholders na nasasangkot.
Dahil dito ay minabuti ng Sangguniang Panlalawigan na imbitahan ang mga chief executives ng nabanggit na mga bayan at sulatan ang DENR kung ano ang nasabing proyekto.