Magsisimula na sa Setyembre 8 (bukas) hanggang Septiyembre 30 ang pagpapatupad ng mga alituntunin para sa General Community Quarantine with heightened restrictions sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang anunsyong ito ay batay na rin kay presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Vice Governor Mark Lambino , ang bagong restriksyon na ito ay batay na rin sa kahilingan ng kanilang tanggapan matapos ang mataas na kaso ng COVID-19 sa probinsya.

--Ads--

Inaprubahan ng national government ang naturang kahilingan upang maging solusyon sa COVID-19 ng lalawigan.

Sa ngayon aniya ay hinihintay ang ibababa ng national IATF na mga iimplementang guidelines.

Inaasahan na mababago umano ang mga protocol dahil sa pagbabago ng quarantine status sa lalawigan.
Samantala, muling nagpulong ang Provincial IATF sa Sangguniang Panlalawigan.

Pangasinan Vice Governor Mark Lambino

Ayon kay Lambino, tinalakay ng mga ito ang pagtugon ng kapulisan sa covid 19, situwasyon ng covid pandemic, vaccination program at mga protocol na pinapalitan sa tuwing magbabago ang quarantine status sa lalawigan.

Bunsod nito pinayuhan ng bise gobernador ang publiko na patuloy na sundin ang mga minimum public health standards gaya na lamang ng pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng ilong at bibig sa tuwing uubo o babahing at physical distancing.