Natagpuan na wala ng buhay ang isang lalaking pulubi sa harapan ng isang spa sa Herrero Perez St., dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang biktima na si Maximo Babatuan, 70 anyos, at residente ng Arco, Lucao Dist., Dagupan City.

Isang concerned citizen ang nakakita sa bangkay at agad na ini-report sa Brgy Hall ng Brgy Pantal.

--Ads--

Base sa salaysay ng nakakita sa bangkay ng biktima, natatakpan ang kalahating katawan nito ng kumot sa harap ng nasabing establisyemento.

Lumalabas naman sa initial findings ni Dr. Benjamin Marcial Bautista ng City Health Office, na natural death ang ikinamatay ng nasabing lalaki.