Wala pang banta ng mass resignation ng mga health workers sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Health officer Dr. Ana Maria Teresa de Guzman, ang pakiusap lang umano ng mga health workers sa probinsya ay matanggap na ang kanilang hazzard pay at SRA.
Aminado ang opisyal na sa ngayon ay wala pa silang natataggap na pondo na galing sa Department of Health.
--Ads--
Nanindigan si de Guzman na malaking bagay sanang makakatulong sa mga medical workers ang tatanggapin nilang benipisyo.
Huling ibinigay na first tranch ng kanilang hazard pay ay noon pang nakaraang taon.