Hindi parin natatagpuan ng mga otoridad ang katawan ng isang 20 anyos na lalaking nalunod sa Riverside ng Brgy. Yatyat, sa bayan ng Laoac.

Ayon sa mga kapulisan ang biktima ay residente rin sa naturang barangay.

Agad rumesponde ang mga otoridad nang ireport sakanila ng isang barangay kagawad ang insidente at sa imbestigasyon ay napagalaman nasa impluwensiya ng alak ang biktima.

--Ads--

Ayon naman sa isang witness sa insidente dumaan sa ilog ang biktima dahil may shortcut sa naturang daan ngunit tinangay ito ng malakas na agos ng tubig.

Patuloy pa rin ang operasyon ng mga otoridad upang marecover ang katawan ng biktima.