Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring pagpatay sa isang 37 anyos na babae sa barangay Quesban sa bayan Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Margarette Abulencia 37 anyos, dalaga at residente sa nasabing lugar.

Ang biktima ay nakita umano ng kanyang kaibigan na nakilalang si Dona Ocampo, 29 anyos at residente ng Brgy Gabon Calasiao na wala ng buhay na nakahiga at duguan sa kanyang kama.

--Ads--

Huling nakita ang biktima noong gabi ng August 10, 2021.

Sa isinagawang ocular inspection sa crime scene, may nakitang saksak sa dibdib ng biktima at napansin na nagkalat ang mga personal na gamit nito.

Sa ngayon ay nangangalap pa ng karagdagang impormasyon ang kapulisan upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.