Nakapagtala ang bayan ng Mangaldan , Pangasinan ng kauna unahang Beta variant o south african variant.
Ayon sa local IATF, ang infected individual ay residente ng barangay Palua sa nasabing bayan.
Sa ngayon ay masusing binabantayan at inoobserbahan ang nasabing pasyente.
--Ads--
Muling nagpaalala ang mga health officials sa publiko na sumunod sa mga health protocols bilang pag iingat.