Sumemplang sa kahabaan ng TPLEX sa Barangay Tomana West sa bayan ng Rosales ang isang patrol mobile ng Rosales Police Station.

Ayon kay Pmaj. Fernando Fernandez, Chief of Police ng naturang himpilan, pumutok umano ang gulong ng naturang mobile na sinakyan ng 2 police officer.

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, habang nagsasagawa ng route inspection sa isang Toyota Coaster na lulan ang mga validating team ng Kampo Krame upang i-validate ang Police Regional Office I sa naturang highway nang biglang pumutok ang kaliwang gulong ng sasakyan na nagresulta ng pagkawala ng kontrol sa manibela ng driver kung kaya makailang beses na tumama ang naturang mobile sa concrete barrier.

--Ads--

Nagtamo naman ng injuries at galos ang dalawang police na nakasakay sa naturang sasakyan at kasalukuyan nang nagpapagaling sa Del Carmen Hospital sa Barangay Carmen West sa nabanggit na bayan.