Patuloy ang paghahanap ng mga kapulisan sa 20-anyos na construction worker na suspek sa pananaksak sa 40-anyos na construction worker sa Brgy. Namagbagan sa bayan ng Sta. Maria.
Sa nakalap na impormasyon mula sa Sta. Maria PNP ang suspek ay kinilala bilang si Radney Pascua habang ang biktima naman ay kinila bilang si Alonzo Venus, na parehong residente ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan napagalaman na ang biktima at suspek ay nakainom ng alak at nang magkaroon ang mga ito ng mainit na sagutan ay pinalo ng biktima ang suspek gamit ang isang piraso ng kahoy.
Agad namang bumawi ang suspek na sinaksak ang biktima gamit ang isang bladed weapon.
Matapos ng insidente ay agarang tumakas ang suspek dala ang kaniyang ginamit na armas habang ang biktima naman ay itinakbo sa Eastern Pangasinan District Hospital, sa bayan ng Tayug para sa agaran nitong pagpapagaling.
Sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation para sa posibleng pagkakahuli sa suspek. // Report of Bombo Adrianne Suarez