Patay ang isang magdadalawang taong gulang na batang lalaki matapos itong malunod sa sapa sa bayan ng Laoac, Pangasinan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan kinilala ang biktima na si Arch Aaron Urbino na residente ng Brgy Turko sa nabanggit na bayan.
Ayon kay PCap. Jaybram Casiano, OIC ng Laoac PNP, lumalabas sa imbestigasyon, nagluluto umano ang ina nito na si Angelein Urbino, 29 anyos habang naglalaro ang anak nito limang metro ang layo sa kaniya nang nawala sa paningin nito ang anak.
Kinalaunan ay nakita na lamang ang katawan ng biktima na palutang lutang sa malalim na sapa sa kanilang lugar.
Naisugod pa ang biktima sa Pozorrubio Community Hospital sa bayan ng Pozorrubio ngunit ideneklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.