DAGUPAN CITY– Hinuli ang siyam na indibidwal na naaktuhan ng pulisiyang nag-iinuman at gumagamit ng maingay na videoke sa barangay San Miguel, sa bayan ng Calasiao.

Ito ay dahil sa paglabag sa mahigpit na ipinatutupad na liquor ban sa nabanggit na munisipalidad.

Gayundin sa pagbabawal na mag-ingay alinsunod sa new normal na istilo ng pag-aaral ngayon dahil sa bahay na lamang nag-aaral ang mga estudyante lalo pa’t nagsimula na ang pasukan ngayong school year.

--Ads--

Nahuli ang naturang grupo sa pag-iikot ng mga pulis na nag-iinuman sa labas ng kanilang bahay.