Ekta-ektaryang palayan at bahay ang sinalanta ng buhawi kahapon sa barangay Cablong, sa bayan ng Sta. Barbara.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, umabot sa 20 ektarya ng pananim ang pinadapa ng buhawi at nabagsakan pa ng maraming kawayan ang isang bahay na nagresulta ng sugat sa ulo ng isang maybahay at pagkakakuryente naman ng kaniyang asawa.

Laking panghihinayang ng mga magsasaka dahil aanihin na sana nila ang kanilang mga pananim ngayong araw ngunit tila kalahati nalang umano ang mapapakinabangan dito.

--Ads--

Nagpaabot na rin ng rice assistance ang barangay sa mga apektado ng naturang buhawi.