DAGUPAN CITY–Naniniwala ang isang political analyst sa lalawigan ng Pangasinan na mabalanse ang mga magkabilang panig sa pagtuturo ng curriculum ng Martial law sa Pilipinas.

Ayon kay Prof. Mark Anthony Baliton, mahalagang maipaliwanag ng mabuti ng mga guro sa bansa ang maganda at maging ng masalimoot na epekto ng naturang kaganapan sa ating kasaysayan.

Saad ni Baliton, mapakahalaga umano na mapangaralan ang mga bagong henerasyon ngayon ng mas komprehinsibo at makatotohanang mga impormasyon sa Martial Law nang sa gayon ay madala umano nila ang mahahalagang aral na mula sa naturang pangyayari.

--Ads--

Aniya, dahil may magkaiba umanong panig kaugnay sa Martial Law, ay mainam umano ang balanse ang paraan ng pagtuturo ukol doon nang sa gayon ay mabigyan ng mas rasyonal na paliwanag ang mga estudyante sa ngayon.

Prof. Mark Anthony Baliton-Political Analyst

Bagaman maraming hindi naidulot na maganda ang Martial Law sa bansa, gaya na lamang ng serye ng pagkawala ng ilang mga indibidwal at serye ng human rights violations, nabatid niya na dapat ay magsilbi na lamang itong leksyon upang na hindi na dapat itong maulit.