DAGUPAN, CITY— Inaantay na lamang ng DILG Regional Office 1 ang guidelines na magmumula sa central office para simulan ang recruitment ng karagdagang contact tracers sa mga Local Government Units (LGUs) sa pangunguna ng Local Epidemiology Officer.
Ayon kay DILG Regional Director at Regional IATF -1 Chairperson James Fadrilan, sa oras na magsimula ang hiring para sa karagdagang contact tracers susundin ang mga qualification standards sa pagpili alinsunod sa ibababang guidelines.
Dagdag pa ni Fadrilan na sa lalong madaling panahon, kailangan aniya na makapagsimula na ang recruitment para sa augmentation ng contact tracing team ng bawat LGUs partikular na sa mga lugar na maraming local transmission.
--Ads--