DAGUPAN CITY–Bigo umano ang pamahalaang Duterte sa pagtugon sa covid 19 crisis sa bansa.

Ayon kay Atty. Neri Colmenares chairman ng National Union of Peoples Lawyer o NUPL, nasayang ang lockdown dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng covid-19.

Kung ikumpara ay mas maganda ang kalagayan ng ibang bansa sa South East sa kabila ng pagiging strikto ng Pilipinas sa lockdown.

--Ads--

Maraming kababayan aniya ang naghirap pero naging palpak ang pamamahagi ng ayuda.

Tinukoy din niya ang kawalan ng mass testing center. Ito dapat ang ginastusan ng pamahalaan para mapababa ang kaso ng covid 19 sa bansa.

Atty. Neri Colmenares, Chairman – National Union of Peoples Lawyer o NUPL

Dapat ibinubuhos umano ng pamahalaan ang pondo sa mga medical at economic needs ng taumbayan.