DAGUPAN CITY–Nalunod ang 8 taong gulang at kanyang amain habang naliligo sa irigasyon sa barangay Bakitbakit sa bayan ng Rosales Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Maricar Cariaga, 8 taong gulang at Sabiniano Esquijo, 38 anyos , parehong residente ng barangay Rabago, Rosales.

Kaugnay nito, nanawagan si police major Felimon Oligo Jr, chief of police sa bayan ng Rosales na iwasan na maligo sa lugar dahil medyo malalim ang tubig.

--Ads--

Bagamat bukas na sa mga bisita ang mga baybayin sa probinsya simula nang sumailalim sa MDCQ ang rehiyon, mainam na manatili lamang sa bahay kung walang importanteng pupuntahan.