Dismayado ang grupong Bantay Bigas sa naging pahayag ni Senador Cynthia Villar na hindi umano mali ang conversion ng mga lupaing sinasaka upang gawing subdivision o iba pang estruktura ng ilang pribadong kompanya dahil isa umano itong paraan upang mapaangat ang ekonomiya sa bansa.

Ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, sinabi nito na nakakalungkot umano na sa kabila ng pagiging chairperson ni Villar sa Senate Committee on Agriculture and Food, ay makikita lamang na pansariling interest ng mga Villar para sa kanilang real estate na negosyo ang naturang rekomendasyon.

Pinatutsadahan din ni Estabillo na nakakahiya umano ang naturang senador dahil ay tila makikita na dala dala lamang umano niya ang kanyang sariling interes at hindi sa mga bumoto para sa kanya.

--Ads--

Sapagkat simula pa umano noong nagsimula itong umupo bilang chairperson ni Villar sa Senate Committee on Agriculture and Food, ay walang pang nagagawang mga reporma at panukala ang naturang senador hinggil sa mga mahahalagang usapin hinggil dito.

Cathy Estabillo – Spokesperson Bantay Bigas

Dagdag pa niya na hindi umano akma ang pahayag ng naturang senador sa paghahawak nito sa komite na aniya ay mahalagang gampanin sa pagpapaunlad ng bansa kaya naman kanila itong mariing tinututulan sapagkat taliwas umano ito sa panawagan ng mga magsasaka hinggil sa mas malawak pang lupang sasakahan at pamamahagi ng libreng lupain para sa kanila.