DAGUPAN CITY–Mariing tinututulan ng Bantay Bigas ang pag-promote ng pambansang pamahalaan sa paggamit ng Golden Rice.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa focal person ng Bantay Bigas na si Cathy Estabillo, ang naturang klase ng bigas ay mayroong masamang epekto sa kalusugan ng katawan ng tao.

Ito ay klase ng palay na ginamitan ng siyensa at teknolohiya sa pananaliksik ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

--Ads--

Aniya, isa itong uri ng genetic engineering kung saan ang Golden Rice ay pinaghalo ang lahing galing sa mais at ordinaryong palay upang magkaroon ng beta-carotene na isang uri ng Genetically Modified Organism (GMO).

Na mayroong component na hindi tinatablan ng sakit, na siyang nagreresulta ng hindi nito pagkakasalanta laban sa mga insekto o peste sa palayan.

Cathy Estabillo- Focal person Bantay Bigas

Ngunit dagdag ni Eastabillo, sa matagal na paggamit ng Golden Rice, nakakitaan ito ng hindi magandang epekto na siyang nagdudulot ng sakit sa katawan ng tao.