DAGUPAN CITY-Dumaranas na din sa kasalukayan ng mental depression ang ilang kasapi ng mga guro bilang epekto ng patuloy na krisis kaugnay sa Covid 19 pandemic.

Ayon kay Shiela Lim Manuel, NCR President ng grupong Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT, sa ilang buwan na nakikibaka ang mga Pilipino sa Covid-19, hindi nila maiwasang mangamba lalo pa’t hanggang sa ngayon ay wala pa ring gamot o bakuna na maaaring gamitin laban sa sakit.

Nagkakaroon aniya ng malaking epekto sa isang indibidwal na nakakulong na lamang sa kanilang kabahayan sa loob ng mahabang panahon.

--Ads--

Hindi din kaila ayon kay Manuel na mas naging doble ang tungkulin na dapat nilang gampanan sa ngayon dahil sa panibagong mode of learning dahilan upang mas lalo silang makaranas ng stress at depression.

Laking pasasalamat ng kanilang sektor dahil naiurong ang napipintong pagbubukas klase sa darating na October 5 mula sa dating August 24.

Ngayon aniya ay mas makakapag handa na sila lalo pa sa mga gagamiting modules ng kanilang mga estudyante