DAGUPAN CITY–Naniniwala si Shiela Lim Manuel, Presidente ng grupong Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT na hindi pa talaga naaabot ang 100% rating pagdating sa kahandaan ng mga guro, estudyante maging sa mga magulang sa darating na pagbabalik eskwela.

Ayon kay Manuel, mungkahi ng kanilang sektor ay ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase.

Gayunman, wala din naman aniyang magagawa ang kanilang sektor lalo pa’t nagkaroon na ng deklarasyon ang kagawaran ng edukasyon.

--Ads--
Shiela Lim Manuel, Presidente ng grupong Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT

Giit niya na tanging hangad lamang sana nila sa ngayon ay mabigyan din sila ng sapat na atensyon at tulong sa lahat ng aspeto lalo pat kinakaharap pa natin ang banta ng Covid-19.