DAGUPAN CITY-Makakauwi na ng Pilipinas ang ilang distressed Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Bahay Kalinga sa Riyadh, Saudi Arabia sa tulong Bombo Radyo .

Ito ay makaraang idulog ni Bombo International Correspondent Lawrence Valmonte mula sa nabanggit na bansa sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) – Overseas Workers Welfare Administrarion (OWWA) ang kwento at mga hinaing nina Baltazar Severo Cantiller at ng humigit kumulang pang 80 PWDs at senior citizen na distressed OFWs sa Bahay Kalinga .

Naninirahan sa isang kwarto ang humigit 20 OFW’s doon na nagsisiksikan at nagkakahawaan ng sakit.

--Ads--

Kasalukuyan pang inaalam kung ilan pang distressed OFWs doon ang kasabay ni Baltazar na makakauwi ng Pilipinas.