DAGUPAN CITY=Nagtala ng panibagong pito na confirmed case ng Covid-19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman, kinumpirma nitong umakyat na sa 171 ang mga tinamaan ng nakamamatay na virus.

Karamihan sa mga naitala ay mga locally stranded individuals o mga bumabalik sa lalawigan .

--Ads--

Sa pitong panibagong kaso ay kasama rito ang ilang mga OFWs.

Tuloy-tuloy aniya ang paghahanap nila ng mga kaso para malaman ang totoong situwasyon sa lalawigan.

Inaasahan na tataas pa umano ang kaso sa mga susunod na mga araw dahil patuloy na pagdating ng mga LSI at mg OFWs kasunod na rin ng direktiba ni pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin na ang mga ito sa kani kanilang mga probinsya.

Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman

Samantala, nanawagan si de Guzman sa mga umuuwi sa probinsya na magparehistro sa kanilang barangay at sila ay imomonitor ng mga barangay health emergency response team.