Nananatiling naka lock down ang Pangasinan Police Provincial Office matapos magpositibo ang ilang pulis doon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director Pol. Col. Redrico Maranan, limang frontliners nila ang nagpositibo at nananatili sa ospital at ginagamot habang ang iba ay nagpapagaling na.

Tiniyak naman ni Maranan na nakasuporta ang liderato ng PNP sa mga nagpopositibo at maging sa kanilang pamilya.

--Ads--

Mayroon umanong financial support na binibigay sa mga ito at ang mga gastos sa ospital ay kanilang naire reimbursed.

PD Pol. Col. Redrico Maranan

Muli namang nag paalala si Maranan na hindi pa tapos ang laban sa covid 19 kaya mag ingat at sumunod sa mga protocol upang maiwasang magkasakit.