Mariing kinondena ng LGBTQ Community ang ginawang pagpaslang sa kanilang kasamahan na tagpuan sa isang bakanteng lote sa bayan ng San Nicolas na tadtad ng tama ng bala ng baril at may mga pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Noreen Barber, Founding chairman ng Trans Society of the Philippines na ikinalulungkot nila ang pangyayari sa biktimang si Angelito Hidalgo 46 anyos na residente ng Brgy. Poblacion East sa nasabing bayan.

Tulad aniya ng ilang insedente ng pagpamatay sa ilang miyembro ng LGBTQ dito sa lalawigan kabilang na ang nangyari noon sa isang homosexual sa bayan ng Bolinao ,maituturing na hate crime ang insedente.

--Ads--

Marami pa rin kasi aniya ang hindi pa tanggap ang mga miyembro ng LGBTQ sa ating lipunan.

Dagdag pa ni Barber na dahil sa mga ganitong insedente ay nais nilang maisulong ang panukalang batas na Sogie Bill o ang gender identity .

Sa pamamagitan aniya nito ay maproprotektahan sila sa batas, krimen at iba pa.

Pero tila malabo aniya itong maisabatas dahil simula ng isagawa ang ikatlong pagdinig ng panukalang batas, ay marami na sa kanila ang nasawi dahil sa hate crime.