Naghahanda na ang city government ng Alaminos sa muling pagbubukas ng pamosong Hundred Island National Park sa lungsod ng Alaminos sa July 1.
Ayon kay City Tourism officer Mike Sison, sa kasalukuyan, inaayos na nila ang mga guidelines para sa mga motorboat operators.
Hindi naman sila basta basta umano tatangap ng mga turista.
Ssisimulan aniya ang pagtanggap ng mga bisita at turista mula sa unang distrito ng lalawigan ng Pangasinan at sa mga susunod na mga buwan ay sa ibang lugar naman.
Giit ni Sison na mandatory pa rin ang pagsusuot ng facemask at social distancing protocols upang makaiwas sa banta ng corona virus disease.
Wala pa rin aniyang pagtaas sa singil sa mga renta.
Hinikayat niya ang mga may ari ng motorboat na magbigay ng promotional rate.