DAGUPAN CITY– Pansamantalang isasara ng dalawang araw ang Munucipal Health Office (MHO) Lingayen para sa disinfection at decontamination makaraang nagpositibo sa COVID-19 ang isang residente ng barangay Namolan.

Ang naturang pasyente ay isang asymptomatic Overseas Filipino Worker (OFW) na siyang nakauwi na sa Pilipinas noong buwan pa ng Nobyembre.

Babalik na sana ito sa bansang kaniyang pinagtra-trabahuan ngunit ito ay positibo sa naturang sakit nang ito ay isailalim sa swab test bilang bahagi ng kaniyang mga kaukulang dokumento para sa nakatakdang pagluwas ng bansa.

--Ads--

Batay sa ulat ng MHO, Hunyo 2 nang magtungo ito sa kanilang tanggapan.

Hunyo 16 naman nang ito ay sinundo ng tiyuhing taga Rizal mula rito sa Pangasinan patungong Maynila.

Hunyo 17 nang ito ay nasuri at kahapon, at Hunyo 19 nang lumabas ang kaniyang medical result.

Ayon sa pasyente ay wala na itong ibang travel history mula Hunyo 2-16 at tanging kanilang mga kapitbahay lamang ang nakasalmuha nito.

Kasalukuyang itong naka-strict home quarantine sa Taytay, Rizal, Manila at nagsasagawa na rin naman ng contact tracing ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Lingayen.