DAGUPAN CITY–Patay ang 2 katao habang sugatan ang dalawang iba pa matapos na tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na insedente dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Iuuwi lamang ng biktimang si Gaudencio Tarancho , 59 anyos ng Brgy Bantog ang ipinastol nitong kambing mula sa Bukid nang tamaan ito ng kidlat sa kaniyang dibdib.

Naisugod pa ito sa pagamutan ngunit ideneklarang dead on Arrival.

--Ads--

Patay din ang 21 anyos na si Benito Tambaga ng Brgy Laoac Tayug nang tamaan ito ng kidlat sa kaniyang ulo.

Nakatayo lamang ito sa kalsada nang panahong iyon.

Sugatan naman bagamat nasa ligtas nang kalagayan ang dalawa pa nitong kasamahan nang mangyari ang insedente.