Isang 28 anyos na dalaga ang nagpakamatay dahil umano sa suliranin sa pag-ibig sa siyudad ng San Carlos.
Kinilala ni Pol Lt. Col. Franklin Ortiz, Officer in charge ng San Carlos PNP, ang biktima na mula sa probinsya ng Sorsogon at pitong taon nang nagtratrabaho sa Barangay Tarectec sa nasabing lungsod bilang kasambahay kung saan natagpuan siya ng anak ng kaniyang amo na nagbigti gamit ang isang nylon cord.
Labis umanong dinibdib ng biktima ang pakikipaghiwalay sakanya ng kaniyang kasintahan na nagpunta sa abroad.
Natagpuan din ang suicide note ng biktima kung saan nakasaad ang pagmamahal nito sa kaniyang boyfriend at sa bandang huli ay nagpaalam na ito para sa gagawin niyang pagpapakamatay.
Nagbigay mensahe naman si Ortiz sa mga residente na huwag piliin ang pagkitil ng buhay kung may problema sa pag-ibig dahil mas mainam na pag-usapan na lamang ito at kapag nakipaghiwalay ang kanilang partner ay tanggapin ito ang maayos at magmove on na lamang.