Kinumpirma ni Provincial Health officer Dra. Ana de Guzman na nakapagtala ng kaso ng covid 19 sa barangay Dupac, Asingan.
Sa ekslusibong panayam ng bombo Radyo Dagupan, sinabi ni de Guzman na ang 29 anyos na covid patient ay umuwi galing sa Metro Manila noong April 30 sakay ng isang private car papunta sa kanilang barangay.
Nang maghinala ang kanilang Municipal Health officer ay hinimok siyang sumailalim sa Mass Testing ng Provincial Government noong May 7 at base sa resulta na inilabas ng PHO ay lumabas na ito Asymptomatic covid patient.
Kaugnay nito, nanawagan sa publiko ang mga otoridad na sumunod sa protocol.
Sa mga nais umanong umuwi mula sa mga high risk areas ay iwasan munang umuwi sa lalawigan dahil maaaring hindi nila nalalaman na carrier na pala sila ng sakit.