Nakapagtala ng probable na COVID-19 case sa bayan ng Mapandan.

Sa public statement ni Mapandan mayor Anthony Penuliar, ang naturang probable COVID-19 patient ay 55 anyos at nakatira sa Barangay Pias.

Noong April 29, 2020, siya ay sumailalim sa Rapid Anti-body Test kung saan siya ay nagpositibo.

--Ads--

Nakipag-ugnayan na ang Region 1 Medical Center (R1MC) at nagbigay ng impormasyon sa pagsasagawa ng kanyang confirmatory test (RT-PCR).

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng kanyang test, samantalang ang Local Contact Tracing Team ay nagsasagawa ng mga kaukulang aksyon at control measures para masigurado ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Mapandan.

Muling nanawagan ang alkalde sa lahat na sumunod sa mga alituntunin ng DOH at Municipal Health Office tulad ng pagsusuot ng mask, social distancing, paghuhugas ng kamay, at pananatili sa loob ng tahanan.

Malaki ang naidudulot ng pagtutulungan ng mga tao para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.