DAGUPAN CITY–Patay ang isang pulis na rerespondi sana sa insedente ng pagnanakaw matapos itong maaksidente sa bayan ng Sison Pangasinan.


Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, magtutungo sana sa isang barangay ang biktimang si Police Corporal Mark Jayson De Guzman para beripikahin ang natanggap na report ng pagnanakaw sa lugar.


Ngunit pagsapit nito sa Brgy Paldit ay nasangkot ito sa aksidente matapos hindi mapansin ang isang lalaking papatawid ng kalsada.

--Ads--

Busod nito ay tumilapon ang biktima na nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kaniyang katawan na sanhi ng agaran nitong kamatayan.


Posible umanong hindi napansin ng naturang pulis ang papatawid na lalaki dahil madilim ang lugar kung saan naganap ang aksidente.