DAGUPAN CITY– Hinihintay pa ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office ang kautusan ni Pangasinan Gov. Amado Espino III kung ililift na o ipagpapatuloy pa ang umiiral na extreme enhance community quarantine dito sa lalawigan.

Ayon kay Police Captain Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ang buong Luzon ay nasa enhance community quarantine hanggang April 30 samantalang ang umiiral na extreme enhance community quarantine sa ating probinsya ay hanggang ngayong April 14 na lamang.

Nanawagan naman sa publiko si Tacderan na sumunod sa umiiral na guidelines nang mapababa na ang kaso ng covid 19 at matutong magtiis dahil lahat naman tayo ay nahihirapan.

--Ads--