DAGUPAN CITY– Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 ang tatlong nagpenitensiya sa Brgy Cutod San Fernando Pampanga.

Napag-alaman na nagpepenetesiya ang tatlong kabataan sa pamamagitan ng paghahampas sa likod nang imbitahan ng mga opisyal ng barangay.

Namamanata raw ang isa sa mga ito para sa kanyang lola na may sakit.

--Ads--

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang tatlo sa araw ng Huwebes, April 9.

Ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang pagsasagawa ng tradisyonal na sinakulo o pananampalataya sa Barangay Cutod dahil sa umiiral na ECQ.

Naging sikat ang nasabing barangay tuwing Semana Santa dahil sa mga namamanata na nagpapako sa krus.