DAGUPAN CITY– Muling pinalawig ni Pangasinan Governor Amado Pogi Espino III ang umiiral na extreme enhanced community quarantine dito sa lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa naturang sakit.

Sa pinakalatest update, nakapagtala na ng 29 kaso ng nagpositibo sa Covid-19 , 8 rito ang nasawi habang 21 ang nasa pagamutan pa rin.

87 naman ang total na bilang ng mga Patient Under Investigation (PUI), 10 rito ang nasawi, 30 ang nasa pagamutan at 47 ang nakarecover na.

--Ads--

85,373 naman ang Person Under Monitoring o PUMs .

16,059 ang nasa ilalim pa rin ng 14-days quarantine, 68,980 ang nakatapos na ng naturang quarantine, at 334 ang di nakakumpleto nito.

Bilang pagkonsidera sa General Welfare at sa pamamagitan ng EO No. 0015-2020 at EO No. 0015-2020-B, ay ipinag utos ni Governor Espino ang pagpapalawig nito mula madaling araw ng April 07, hanggang April 14, 2020.

Lahat ng kautusan na ipalalabas ng
Inter- Agency Task Force (IATF) maging ng ibat ibang concerned agencies ay dapat sundin ng publiko sa pamamagitan ng kanilang mga LGUs.