Negatibo sa Covid -19 ang isang doktor na Patient Under Investigation (PUI) na nasawi sa Lingayen District Hospital base sa lumabas na resulta ng pagsusuri.
Ayon sa ipinadalang mensahe ni Provincial Health Officer Dr. Anna Marie De Guzman, ipinadala ng Department of Health sa pamamagitan ng isang e-mail ang resulta ng test at lumabas na ito ay negatibo.
Napag-alaman na Marso 19 pa nang unang dinala sa pagamutan ang biktima na kinalaunan ay na-discharged at muling ibinalik sa ospital.
--Ads--
Dahil hinihintay ang resulta ng eksaminasyon ay pinayuhan ang kaanak ng biktima na isailalim ito sa cremation o takpan ang kabaong kapag nilamayan.
Ang doktor na namatay ay residente ng barangay Poblacion sa nasabing bayan at mayroong travel history sa Maynila.