Kinumpirma ni Bayambang Mayor Cesar Quiambao ang pagpopositibo nito sa Covid 19 maging ang asawa nitong dating artista na si Niña Jose Quimbao .

Sa ipinalabas na pahayag ng alkalde na noong March 16 ay nagdesisyon sila na sumailalm sa medical check up at sa covid-19 test na kinalaunan ay nagpositibo ang resulta.

Dahil dito ay sumailalm sila sa gamutan at ngayon ay gumaling na.

--Ads--

Sa kabila nito ay tiniyak niyang sasailalim pa rin sila sa 14 day self quarantine upang matiyak na walang sinuman ang malalagay sa panganib.

Hiling naman nito ang dasal ng mga kababayan sa ganitong sitwasyon na kinakaharap ng kanilang bayan dahil sa covid 19.

Pinayuhan din nito ang mga kababayan na sumunod sa mga ipinapatupad na alituntunin ng kanilang lokal na pamahalaan para makaiwas sa naturang sakit.

Ipinaalala din nito ang pananatili sa bahay, palagiang paghuhugas ng kamay at iba pang paraan upang hindi mahawa sa sakit.

Nauna rito, nagpositibo rin sa Coronavirus ang isang doktor mula sa nabanggit na bayan habang patient under investigation ang asawa nito na kapwa nasawi.