DAGUPAN CITY– Nakapagtala ng dalawang beses na pagyanig ang lalawigan ng Pangasinan.
Unang naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 93 kilometers Southwest ng bayan ng Agno, alas-5:24 ng madaling araw ng Martes at may lalim na 43 kilometers.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.8 na lindol sa 97 kilometers Southwest sa bayan pa rin ng Agno, alas-5:43 ng madaling araw at may lalim na 15 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
--Ads--
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Ito na ang ikatlong may kalakasang pagyanig sa bayan ng Agno ngayong araw.
Alas 4:23 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa naturang bayan.