DAGUPAN CITY– Halos 30 mga Person Under investigation o PUI na ang mahigpit ngayong binabantayan sa ibat ibang pagamutan sa lalawigan ng Pangasinan bunsod ng Covid 19.

Nasa 29 na PUI na ngayon ang naitala dito sa lalawigan ng Pangasinan kung saan 16 ang nakaadmit ngayon sa pagamutan, 12 ang nadischarged na at 1 ang nasawi.

Patuloy rin ang pag-akyat ng bilang ng Person Under Monitoring na umaabot na sa 47,860 kung saan 46,522 ang patuloy na sumasailalim ngayon sa 14 days quarantine habang 1,338 naman ang nakakumpleto na nito.

--Ads--

Una ng pinaalalahanan ni Provincial Health Office (PHO) Chief Dra. Ana Marie De Guzman, ang mga PUM na tapusin at mahigpit na sundin ang kanilang 14 days quarantine upang hindi na kumalat pa ang naturang virus sa probinsya.