DAGUPAN CITY– Aminado si Liga ng mga Barangay President Councilor Marcelino Fernandez na mahirap mapasunod ang mga tao sa ipinatutupad na community quarantine dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Fernandez, bagamat may mga pasaway pa rin ay kailangan nilang gampanan ang kanilang trabaho bilang barangay officials para sa kabutihan at kapakanan ng mga Dagupeño.

May mga nagpupumilit na pumasada dahil sa pangangailangan ng kanilang pamilya bagay na kanilang naiintindihan , pero kailangang mapigilan bilang pagtalima sa utos ng pangulo.

--Ads--

Kapag sinabi aniyang huwag lumabas ay manatili lamang sana sa kanilang bahay ang publiko.

Giit niya na kailangan ang kooperasyon at magtulungan, dahil virus ang kalaban na hindi nakikita hindi tulad sa problema sa baha na madalas maranasan siya siyudad kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan