Patuloy parin ang pagtaas ng bilang ng mga binabantayang indibiduwal dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa sakit na coronavirus disease-2019 (COVID-19).
Ayon sa latest monitoring report ng Pangasinan Provincial Government, pumalo na sa 47,577 ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) o mga taong inoobserbahan ng DOH dahil sa pagkakaroon ng travel history sa mga lugar o nakasalamuha ng mga tao na apektado ng naturang sakit.
Sa nasabing kabuoang bilang 46,239 sa mga ito ay nasa ilalim parin ng 14 Days Quarantine habang ang 1,338 sa mga ito ay natapos na ang kanilang quarantine period.
Samantala, umakyat na sa 27 ang bilang ng Patient under Investigation o PUI kung saan isa sa mga ito ang nasawi habang 14 naman ang nananatili sa pagamutan bagamat mayroon naring 12 na nakalabas na ng ospital.
Una ng pinaalalahanan ni Provincial Health Office (PHO) Chief Dra. Ana Marie De Guzman, ang mga PUM na tapusin at mahigpit na sundin ang kanilang 14 days quarantine upang hindi na kumalat pa ang naturang virus sa probinsya.