DAGUPAN CITY– Umabot na sa halos 32,000 ang bilang ng mga Person Under monitoring dito sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa Covid 19 .

Sa pinakalatest update mula sa Provncial Government kabuuang 31, 906 ang PUM sa Pangasinan kung saan 31, 421 ang patuloy na sumasailalim sa 14 days quarantine habang 485 sa mga ito ang natapos na.

Nasa 22 naman ang Patient under investigation kung saan 17 ang nananatili sa pagamutan habang ang lima ay nadischarged na.

--Ads--

Bunsod nito nanawagan pa rin ang pamahalaang panlalawigan sa publiko na sumunod sa mga ipinapatupad na alituntunin kaugnay sa covid 19 upang hindi makapagtala ng positibong kaso nito dito sa probinsiya.

Nananatili namang covid free ang lalawigan ng Pangasinan .