DAGUPAN CITY–Hindi kinakailangan ang pagsuspinde ng mga klase sa eskwelahan sa probinsya ng Pangasinan dahil sa Covid19 ayon sa Provincial Health Office.

Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna Marie De Guzman, sa kanilang pananaw ay hindi dapat magsuspinde ng mga klase sa probinsya ng Pangasinan subalit ang desisyon sa pagsususpinde ng mga klase ay nasa mga lokal na chief executives dahil sila ang mas nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang mga lugar.

Nakikipag-ugnayan naman umano ang PHO sa mga municipal health office at nais nilang magpatupad ang lokal na gobyerno ng mas matibay na implementasyon sa ibat ibang precautionary measures sa covid19.

--Ads--
Dr. Anna Marie De Guzman, Provincial Health Officer-Pangasinan

Dagdag ni De Guzman, malaking bagay din umano para hindi pumasok ang covid 19 sa probinsya sa pagsunod at striktong pagimplementa ng lokal na gobyerno sa mga direktiba ng PHO katulad paglalagay ng hand sanitizer at alcohol sa mga establisyemento.

Dr. Anna Marie De Guzman, Provincial Health Officer-Pangasinan

Ipinanawagan din niya ang pagmomonitor ng mga OFWs at mga balikbayan at gayundin ang pag-iwas sa pagsasagawa ng malalaking pagtitipon o okasyon.