DAGUPAN CITY- Tiniyak ni Department of Health (DOH) Ilocos Region Medical Officer IV Dr. Ruel Bobis na nananatiling corona virus disease o COVID free ang buong rehiyon.

Ayon kay Bobis, lahat ng 16 na patient under investigation ay nagnegatibo sa covid 19 habang isa na lamang ang nakaadmit sa isang ospital sa lalawigan at hinihintay pa ang resulta ng kanyang test.

Ang nasabing PUI ay nag tungo sa ospitl dahil may sintomas siya ng ubo at sipon at may travel history sa labas ng bansa. Paliwanag naman ni Bobis na kapag sinabing PUI, hindi ito kumpirmadong Covid-19.

--Ads--

Sa ngayon ay pinag aaralan ng DOH ang pagpapalakas ng mga provincial at regional laboratory dahil sa pagdedeklara ng public health emergency. Nais nilang hindi na sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM ang magtest sa COVID 19.

Department of Health (DOH) Ilocos Region Medical Officer IV Dr. Ruel Bobis

Ipinayo naman ni Bobis na para sa mga pasyente na nakakaranas ng ubo at sipon pero walang travel history o close contact sa mga kumpirmadong Covid-19 ay magpacheck up pa rin.

Samantala, nagpaalala si Bobis sa mga netizen na ipinagbabawal ng batas ang paglalabas ng pangalan at larawan ng pasyente na may covid 10 .

Giit ni Bobiz na may data privacy law kung saan bawal ang maglabas ng kahit anong pribadong data ng kahit sino.

Sa ngayon ay mayroon nang iniimbestigahan na nagpakalat ng pangalan at larawan ng pasyenteng may COVID.

Department of Health (DOH) Ilocos Region Medical Officer IV Dr. Ruel Bobis

Dagdag pa niya na iwasan ang magkalat ng mga maling impormasyon ukol sa corona virus disease.